yahoo!!
After the longest ten months of my life and most probably the other third year students' as well, finally, all our hardwork pays off!
- sleepless nights
- late meals (minsan nga skipped meals pa yan e!)
- printed ppt reviewers
- extra doses of caffeine
- ngarag moments during the last three weeks of second sem
grabe. kapag naaalala ko yung mga oras na halos di ko alam ang gagawin ko kapag napuno na yung planner ko ng scheduled quizzes, practicals, homeworks, reports at presentations. grabe. yun yung mga time na inip na inip nako sa paggalaw ng oras hanggang sa magbakasyon na.
makakalimutan ko ba naman ang moment na sinigawan ako ng prof ko sa lab, ay never! sabi ko pa sa sarili ko, kung sa pagsigaw nya nakasalalay yung grades namin, ayyyy, andaming DL! hahaah=) choss!
part na din ng 3rd year life yung matulala ka na lang sa dami ng dapat mong matapos at di mo na alam kung alin yung uunahin mo. ay shems! parang iaalay mo na lang sa Diyos yung lahat kasi parang walang human effort ang sapat para maaccomplish mo lahat ng dapat mong isubmit for the next day.
yung sa mga dapat mong tapusin, may isa talagang di mo man lang magagawa at aasa ka na lang sa breaktime atvacant periods para dun mo sya mareview. tapos hahanap ka ng tulad mong di nakaaral. haaaayyyyyyy.
siguro nga eto yung matter of life and death, point of no return. yung sobrang laki ng ipagbabago sa lifestyle mo. tipong, di ka makaabsent kapag tinatamad ka kasi ang isang meeting na mamimiss mo, parang 1week yung kailangan para makacope up ka. yung kahit may sakit ka, pipilitin mong pumasok kasi sa sobrang hirap ng subject, mahalaga sayo yung incentive na makukuha mo kapag complete attendance ka. At yung mga panahong mas gugustuhin mo na lang pumasok kahit may bagyo kasi alam mo na kapag nasuspend ang klase, mas masstress ka sa pagschedule ng make up classes.
Minsan, di lang subjects yung problema, may terror profs din. tipong kilala ka na at parang paborito kang patayuin sa klase at pasagutin sa mga tanong nyang napakadami. o di kaya naman, yung tipong di na kayo nakapagdiscuss ng lesson kasi puro kwento sya, tapos kapag naghahabol na sa oras, reporting na lang! #kaloka talaga! puro exams at pre finals na nga, sasabayan pa ng reports! syempre, andyan din naman yung bukod tanging cool lang kahit ngarag na lahat! pero sa lahat, syempre ansarap ng feeling kapag alam mong naiintindihan ng prof yung hirap na pinagdadaanan ng mga third year at siya na mismo yung nagpapalakas ng loob ng mga students nya. =) double thumbs up para sa mga prof na nanay kung mag alaga! =)
nakakabilib din yung mga times na sa mga kaibigan or kaklase ka nakakakuha ng courage para tumuloy pa at wag mag give up. yung sasabihin nilang kaya pa at magkakasama naman kayo kaya kakayanin lahat. nakakatuwa at nakakainspire yung mga panahong bumabagsak kayo pero nagtatawanan na lang kasi alam niyo na ang dami niyong inaral at yung exam talaga yung may problema! hahahaa. kaloka din yung feeling mo, normal na yung bagsak sa klase at ikaw yung kakaiba kapag pumasa ka. grabe. third year nga naman.
hello internship na!! yeyy! so ngayon, habang vacay pa, bawi bawi muna sa tulog at kain! yeah! Good luck ang God Bless to all incoming third year! kaya nyo yan!!
Just believe that you can do it, and you're half way there!
okay nako. sana kayo din! thank youuuu Lord!
CHUEERRY!!!!!! :) WE DID IT! :) YAY! :)
ReplyDelete