3.30.2012

bumpy ride

may mga panahon talaga na gusto mo na lang bumigay sa mga dumadating sa yo, mga bagyo na parang mas malakas pa sa pinakamatinding typhoon signal na konting konti na lang masisira ka na, yung buong ikaw. pero syempre parang ang unfair ko naman na kapag happiness ang nangyayari open arms ang peg kong reaction tapos kapag bad times na, mega emote at angry bird ang peg ko. hahhaha. syempre behind my rants and twitter venting, e andun naman palagi sakin yung hope at excitement na malampasan yung pinagdadaanan ko. feeling ko, ang gaan kong tao na may bagong natutunan at mas malakas pa kesa dati. haaaaayyy life.


minsan nakakapagtaka din talaga na may mga panahong lie low si problems at negativity sa buhay mo, as in absent sya tapos kapag dumating na, BOOM! big time! as in laging gusto dramatic entrance ang peg na di mo na maintindihan kung alin ang una mong iisipin at pag eemotan kasi nga sabay sabay silang umatake. kaloka! ganun na bako kastrong para ganun kalakas ang mga to kung magsidatingan?? wow ha! I'm proud!


grabe din e. eto nga at napapost ako ng wala sa oras. as in hindi pinag handaan. walang draft draft. hindi rin flowery words at talagang tagalog na. hahaha. parang artistang nagpa presscon na kakagising lang at humarap sa media ng walang make up. oh well, minsan nga siguro, kahit gaano mo ipakitang kaya mo pa yung isang bagay/problema, makakalimutan mo ding itaas ang pride mo at bibigay ka na lang. syempre kakatakot naman lalo na wala ka nang maireact sa mga nangyayari at mamanhid ka na. ayoko naman ng ganun. parang na immune na ako sa problema. parang kebs na lang ako sa lahat ng dadating. yung tipong wala ka nang emosyong maibigay.


pero at this very moment, natatawa na lang ako. baliwpolar na nga yata ang peg ko. eto kasi yung point sa buhay ko na hindi ko alam kung ano yung paghahandaan ko. wala akong idea sa kung ano ang pwedeng mangyari at kung ano ang mrereact ko. ako kasi yung tipo na ayoko ng nacacaught off guard ako. gusto koo lagi akong handa. kaya nga praning nako minsan e. lahat na ng posibleng mangyare, napaghahandaan ko ang gagawin ko. ayoko yung spontaneous o go with the flow. gusto ko nakaplano at alam ko yung pupuntahan ko lalo na sa mga bagay na wala akong kasama, yung mga ganitong mag isa lang ako. yung ako lang yung haharap at lalaban habang yung ibang taong kakilala ko, maghihintay lang sa kung anong mangyayari sakin. may pagperfectionist nga ako minsan e. yun. kasi ayokong makakita ng mali. yung masakit sa mata. yung mahirap tanggapin. yung masakit sa iba. people pleaser ang peg? yep. yun yung nature ko e. pero di naman palagi. bahala kayo basta eto nako. kakapagod din kaya yun. di naman ako consistent sa pagiging ganun a. keber na lang din ako sa sasabihin at iisipin ng iba basta ginagawa ko to para sa sarili ko. yown! shhot diba?


parang ang layo ng narating ko masyado. wait. mag iisip muna ko ulit. baka kaya lang ako nagkakaganito e dahil nasobrahan na sa pahinga ang utak ko at kailangan ko na sya magamit ulit. for the mean time, aayusin ko muna tong sasakyan kong medyo mafaflat na yung gulong dahil sa laki at tulis ng mga batong nadadaanan ko at aayusin ko muna yung bubong na malapit nang masira dahil sa lakas ng hangin at ulang sinasagupa ko. di naman ako papabayaan ng driver ko e=) di naman nya ko dadalhin sa bangin agad agad. siguro makakarating naman ako sa dapat kong puntahan nang maayos, kahit sira yung sasakyan, magagawan to ng paraan. edi hahanap ako ng short cut. kung pwede nga lang. hahaha=) time out!


GOD BLESS US ALL!

No comments:

Post a Comment